Thursday, December 4, 2008

overpass

naalala ko nung mga panahon na nagrereview pa ako dyan sa isang kilalang review center sa morayta eh madalas ako napapadaan tuwing umaga sa overpass sa kanto ng kfc at 711 kung saan sarit sari ang makikita sa iilang metro lalakaran.

nung una ako dumaan dun, at dahil first time ko sa lugar na yun ng ganung oras eh para akong musmos na bata na nagmamasid sa paligid. pag apak ko pa lang sa hagdaan eh napansin ko na agad ang isang badjao na may kalong na bata, habang naglalakad pataas sa overpass eh naisip ko na, akala ko dati mga alaga ng sindikato sila, saan ka nga naman kasi makakakita ng badjao na nanlilimos tas aabutan ka ng laminated na papel at may nakasulat na "badjao daw sila at galing sa gantong lugar tapos achuchuchu" tapos pag di mo binigyan eh kukulitin ka ng kalabit! at ang malupit pa dun, pag nakita pa ng isa pang badjao na binigyan mo ng limos o pagkain yung kasamahan nila na badjao eh lalong di ka natatantanan sa paghingi ng limos(only in the philippines lang yan)pero nagkamali ako, may badjao din pla na nagsasabi ng totoo, na yun lang talaga ang nakikita nilang paraan para mabuhay. ako kasi yung tao na nagbibigay ng limos o pagkain sa mas karapdapat bigyan, hindi yung dahil sila ay nadudumi, may kapansanan, iba ang lahi, babae, lalaki, bata o kahit anu pang category yan, oo! lahat sila hindi dapat pabayaan at kaawaan dahil di nila ginusto ang mabuhay sa ganun situasyon, pero kaya naman ng iba gawan ng paraan yan para mabuhay sila, na tipong sila na mismo ang kikilos para sakanila, at nakakalungkot lng din isipin na ang iba ay sa maling paraan ang gingawa nila para mabuhay..

habang patuloy sa pagaakyat sa overpass ay naaninag ko agad ang mga nakahilatang mga bata na pawang nasa evacutation center ang dating, kung saan kabikabila ang mga natutulog na tipong ikaw pa ata ang mahihiyang dumaan kasi baka magising sila, para sa katulad nila na di masyado pinapansin sa lipunan ay presko na ang ganung higaan, oo nga naman karton na pinagpatong patong lang at bubong ng overpass eh parang hotel accomodation na sa para kanila wala nga lang free buffet breakfast,na para sa ay sobrang hirap maghanap ng matutulugan para sa isang gabi at kung minsan eh agawan pa ng pwesto, swertihan lang talaga kung naitatak na nila ang pangalan nila sa kanikanilang teritoryo..

ng nasa kalagitnaan na ako ng overpass nakita ko ang mag-ina na handa ng kumain na di ko malaman kung pagkain man yon o kung anung bagay na kakain nila, di kinaya ng sikmura ko yun..kaya bumalik ako sa pinagakyatan ko at sabay diretso sa 711 nagmamadaling bumili ng kahit anung maisip na pagkain sa pagbabaka sakaling di nila makain ang nakita ko. hindi ako nagbibida bidahan o good samaritan pero nahihirapan ako huminga pag nakakakita ako ng mga ganung situasyon, minsan nga sa sobrang gusto kung tumulong pero wala akong maitulong eh napapailing na lang ako at unting unti mamumula ang mata ko pero hindi sa luha, madalas ko tinatanung ko sa sarili ko, kung bakit ba naman kasi may mga ganung pangyayari pa na hindi maiiwasan? at bakit may mga taong mas lalong nagpapahirap sa mga tulad nila at sila naman ay nagpapalobo lang ng sariling interest?

agad akong tumawid sa kabila pagkatapos iabot ang mumunting pagkain nabili ko, ni hindi ko na nga nilingon kung kakainin nila yun o hindi at pinangako ko sa sarili ko na hindi na ulit ako aakyat sa overpass yun, hindi dahil sa mapapagastos lng ako, kung hindi, dahil sa nasasaktan ako sa mga ganun pangyayari..

oo!!eto ang tulay na buhay ng mga tulad nila, minsan may dadaan na swerte at kadalasan ay wala, hindi masamang tumulong at hindi din ito kabayanihan lalong lalo na hindi ito pakitang tao, masarap lang talaga makarinig galing sa bibig nila ang salitang "maraming salamat po!" o kahit makita mo lang mga mata nila ang ngiti kahit pangsamantala lang..

Monday, October 27, 2008

one way, two way, many way!!

continues..



sa kabilang dako..

Aling Martha: tao po! tao po! tao po!

Mrs. Sweste: oh!ikaw pla yan martha!halika at pumasok ka..

Aling Martha: salamat po ginang Sweste..

sabay dali daling pumasok sa loob ng bahay si Aling Martha..excited na excited sa kikitain niya sa papagawa ni Mrs. Sweste sa kanya, naiisip isip niya na kahit papano eh makakabawi siya sa nawalang gulay na ginarapal nanaman ng alagad ni pink ranger..

Aling Martha: anu po papagawa niyo sakin Misis Sweste?

Mrs. Sweste: marame ako papagawa sayo, dahil yung kasambahay namen eh, pinayagan ko munang magbakasyon sa probinsya nila..

Aling Martha: maraming salamat po, malaki po matutulong sakin nito.(sabik na sabik na sagot)

Mrs. Sweste: pero sandali lang?ok lng ba sayo na aabutin ka ng gabi sa pagtratrabaho dito?

Aling Martha: opo..(ngunit alang alala kung anu kakain ng mga anak ko)

Mrs. Sweste: oh siya sige, umpisa mo na para matapos ka ng maaga..

Aling Martha: ocge po..Salamat po ulit..


====================================================================

Bigboss: Hoy Marco!! baka may balak ka sumali dyan sa mga nagrarally sa labas?

Marco: ho!ako?no no no!!di ko uubusin panahon at oras ko sa pagsisigaw diyan sa labas, kung wala din naman magagawa ang boses ko, bakit pa ako sisigaw sigaw at magiingay!

Bigboss: Buti naman! ikaw lng inaasahan ko dito sa opisina..at isa pa balak ng pamunuan na tanggalin lahat ang sinumang sumali sa rally rally kuno na yan!sakit lng sa ulo yang mga hampas lupa na yan!

Marco: ahh ehh..(walang maisagot..pero sa isip isip nia "tarantadong to!sa limang taon ko na pagtrtrabaho dito eh kahit salary increase di ko naranasan, porke kayo ang big boss ay nabubulsa niyo ang dapat ay amin, mga buwaya!mga ulol!"pero hindi nia masabi ng diretsuhan)

Bigboss: oh Marco! bat namumutla ka?cge na magtrabaho ka na diyan at may meeting pa ako sa sekretarya ko

Marco: ahh,,cge ho..pagbutihan niyo po ang meeting niyo meeting niyo..(babanatan mo lang nanaman yan eh..pabulong)

Bigboss: anu yun?

Marco: wala ho..sabi ko magsisimula na ako..

Bigboss: cge na..gawin mo n yang trabaho mo..

Sabay akbay sa sekretarya at hawak sa malabundok na pwetan at diretso sa tinted na opisina..

Marco: gagong yun!walang ginawa kundi makipagtalik sa sekretarya!

====================================================================
sa paguwi ni junjun sa bahay..

Junjun: oh jema oh!

Jema: bigay mo kay Jimpoy at kanina pa nagugutom pa yun..

Junjun: eh ikaw?

Jema: maliligo muna ako.

Junjun: kaw bahala..uubusin ko to!!haha..

Jema: wag ka nga pasaway!(sabay dabog ng pinto sa kanilang palikuran)

habang naliligo si jema eh naririnig niya parang may naghahalubog ng gamit nila sa bahay, na tila ay may hinahanap na kung anung bagay..

Jema: hoy Junjun! kung naghahanap ka ng pera diyan..malamang wala kang makikita!

Junjun:anung naghahanap..kumakain ako kahit tanung mo pa dito kay jimboy(sabay titig ng masama sa bunsong kapatid)

Jimboy: ate naghahanap nga siya!!!

Junjun: Gago ka ahh! kumain k na nga jan!(biglang tayo sa lamesa at diretso labas!)

Jimboy: kita mo ate tumakas kasi guilty

Jema: yaan mo na..wala naman makikitang pera yun sa apat na sulok ng bahay natin!kahit pa baliktarin niya to..hahaha..kumain ka na dyan..

====================================================================

habang abalang abala si Melai sa pagshoshoping..naisipan niyang surpresahin ang kanyang asawa, tutal na sa mall naman siya..naisipan na din niyang bumili ng mumunting pasalubong para mabawas bawasan naman ang init ng ulo ng kanyang asawa..
sinigurado na din ni Melai na nandun nga sa opisina ang kanyang asawa sabay kuha ng kanyang cellphone

ring ring ring...

Mark: hello!

Melai: where you at?

Mark: nasan ba ako sa tingin mo?

Melai: ahh ok..are you going home early?(medjo napikon na!)

Mark: hinde! magoovertime ako!

Melai: sayang naman..im going to cook something special for you..

Mark: wag na!!mapapanis lang yan(pero hindi alam na may balak pala pumunta ng kanyang asawa sa kanyang opisina)

Melai: ok(medjo napangiti pero kunot padin ang noo)

Mark: anything you will say?

Melai: ahh wala na..but....(sabay binabaan ulit sa kabilang linya)

Bwiset na yun..anu ba problema nun?parati na lang akong binabastos nun ahh!

====================================================================

pagsapit ng alas 5..

medjo napapagod na si Aling Martha sa mga inutos sa kanya ni Mrs. Sweste..nakakaramdam si aling marta ng pagkahilo, siguro ay dahil hindi pa siya kumakain o dahil madame lng talagang pinagawa sa kanya ang butihin amo..pero habang tumatagal ay di na niya kinakaya.."tumatanda na siguro ako, pero hindi ako kelangan mapagod para sa mga anak ko" at patuloy padin ang pagtratrabaho ni Aling Martha..

====================================================================

last part eh kasunod na!

Monday, September 22, 2008

Learning can do better

Learning can do better.

I walk down the street.
There is a hole.
I don't see it.
I fall in.
It isn't my fault.
It takes a very long time to get out.

I walk down the same street.
There is still a deep hole.
I pretend not to see it.
I fall in.
I pretend it's still not my fault.
It takes a long time to get out.

I walk down the same street.
There is still the same deep hole.
I see it.
I fall in anyway.
It's a habit.
I get out quicker this time.

I walk down the same street.
There is a deep hole.
I see it.
I walk around it.
I don't fall in.

Then, I walk down a different street.

Sunday, July 27, 2008

one way, two way, many way!!

Mga kasama takbo!!!nandyan nanaman sila!!!!

potangina naman ohh!! nandyan nanaman kayong mga alagad ni pink ranger, kukunin niyo nanaman tong mga gulay ko..

alam mo naman na bawal magtinda dito sa gilid ng highway dba?

oo nga alam ko yun! pero saan ako magtitinda?sa kakarampot na kinikita ko, ni pambayad nga ng pwesto hindi ko magawa tapos kukunin niyo nanaman tong paninda ko!!

hindi lang naman kayo ang kinukunan namen eh... lahat ng mga nagbebenta dito kinukuha namin..at alam niyo naman n bawal dito..at diba ilang beses na namen tong ginagawa, di parin kayo natuto.. mga potangina pasaway kayo!!

wag mo nang kunin to, parang away mo na!pangako sa susunod sa iba n ako magtitinda, sa hindi niyo n mahuhuli, wag lang ngayon parang awa niyo na ho..dito nalang ako kumukuha ng pang pagkain namen..

aleng marta pasensya na at sumusunod lang kame sa utos ni pink ranger..

(eto ang madalas na eksena sa tuwing dumadating ang pink truck at mga alagad ni pink ranger sa gilid ng sikat na highway sa q.c.)

sa kabilang dako..

nay! papasok na po ako..yung gamot niyo na taas ng lamesa wag n wag niyo kakalimutang inumin yun.. alam ko na pasaway ka pero parang awa mo na sundin mo naman ako minsan..

ochige na anak hik! madalas ko na nariri hik! naririnig sayo yan.. shindi ako inutil hik! may sakit ako pero shindi ako inutil hik!

nanay naman oh!!ang aga aga gin nanaman yang hawak mo, sabi ng doctor wag ka na uminum pero matigas yang ulo mo!!maawa naman kayo nay!!hirap na nga ako tapos ganyan ka pa..

gagoow!!! kaya nga finafabilis ko na yung hik! buhay ko para hindi k na mahirapan eh hik! pumasok ka na sha trabaho mo, hik!! teka hik!! wag mo kalimutan yung pambili ng ulam..hik!!

bumili na ako dyan nay..wag ka na umasa n iiwanan kita ng pera!!ang aga aga bwiset agad yung sasalabong(pabulong)


eto marco.. masipag, mapagmahal na anak, walang iniisip kung hindi ang kanyang ina na may sakit pero lasengera padin..

at sa kabilang dako pa!!

honey, wake up! its already 7 am..

dammit..wag mo akong gigisingin..pagod pa ako..

but honey... you need to go to work..

work! work! work! work!im tired of it.. i need to rest.. leave me alone!!!

honey!!!stop acting like a child, we´re already married, we need money, we need our future..

napilitan lang ako n pakasaan ka(mahina na salita)

what did you said?!!

i said papasok na ako!!

eto sila melai at mark.. napilitang pakasalan ni mark si melai kung hindi dahil niloko siya ng dati niyang kasintahan..at eto ang resulta..


umaga pa lang ay masipag ng namimitas si marta ng gulay sa kanilang bakuran upang ibenta sa gilid ng highway..si marta isang di matatawarang ina sa kanyang 4 na anak, iniwan ang asawa dahil hindi masikmura ang pananakit sa kanya at sa kanilang anak..binubuhay ang pamilya sa pagtitinda ng gulay sa umaga at sumasyd line ng pag mamanecure pag nakokompiska ang kanyang mga paninda ng mmda, marami rin siyang raket pero hindi sapat sa kanilang pang araw araw na gastusin at pagkain..

maaga ng bumalik si marta sa kanilang tahanan mukang balisa at maiyak iyak..

marta: mga anak..pasensya na kayo at kangkong nanaman ang kakainin natin sa araw na to.. sana swertihin padin ako at may magpalaba diyan kela Sweste.

junjun(anak na pangalawa 16y/o): anu b naman yan nay! di kasi kau tumakbo eh!

jema(panganay 17y/o): anu ka ba jun! sa tingin mo ba makakatakbo si nanay?eh madame dame din siya napitas dyan a bakuran ntin..kung tumutulong ka ba naman sa pagtitinda ni nanay sana nailigtas pa natin yung mga paninda.

junjun: eh kung ikaw kaya tumulong, puro pagaaral lang naman yan iniintindi mu, bakit sa tingin mo makakakuha k ng iskolarship?asa ka pa!!

jema: buti ako may pangarap! eh ikaw sumasama diyan sa mga kaibigan mo na rugby boys!

junjun: aba gago ka..potangina mo!susuntukin kita dyan!

jimpoy(pangkatlo 12y/o): wag na nga kau magaaway! kita mo c joseph(6 na buwang sanggol) umiiyak na oh..imbes na pagaanin at tulungan niyo si nanay magisip kung panu tayo kakain dinadagdagan niyo pa yung problema!

junjun: tumahimik ka nga dyan..bata ka pa wala k pang alam!

jema: nay oh! pati si jimpoy inaaway ni junjun!

marta: mga anak tama na! nahihirapan na ako! puro na lang tayo problema, hindi maayos to kung puro tayo away.. mga anak parang awa niyo na, hindi ko kaya na ako lang magisa, tulungan niyo na lang ako..

junjun: tsk!(sabay walk out).

jema: kita mo nay bastos talaga yang ugali ni junjun.

jimpoy: oo nga nay!

marta: yaan niyo na siya, naapektuhan lang yon simula nung umalis tayo sa tatay niyo, at marahil tumatak padin sa isipan niya ang ginawa ng walang kwenta ninyong tatay.....

napatigil..

jema: ay nay!! ngayong araw pala yung exam para sa scholarship, sana makapasa ako para para maiahon ko na tayo sa kahirapan pag ka graduate ko..

marta: talaga anak? (tanung sa anak habang tuwang tuwa ang mga mata sa sa narinig na pangarap para sa kanilang pamilya...)



habang papasok sa opisina..


marco: manong pedicab diyan na lang sa sakayan ng bus..eto po bayad ohh..

stranger: pst!

marco: huh?sinu ka?

stranger: di mko kilala?

marco: inde eh, pasensya k na!

stranger: gago ka! robert to!

marco: robert?

robert: robert san isidro

marco: (parang tumama ng bingo) ay potarages ka! kamusta k na?

robert: eto mabuti naman..tagal n natin hindi nagkikita ahh?ikaw kamusta?

marco: eto mabuti naman, tinamaan ng swerte kahit hindi nakatapos eh natanggap sa pabrika ng pantalon..ikaw?

robert: talaga?ako, ahente sa bangko.

marco: swerte mo naman, sabagay nakatapos ka eh, at malamang malaki ang kinikita mo dun..

robert: hinde naman, sakto lang sa buwanang gastusan..

marco: ahh ganun ba..(commento pero may konting inggit) ahh pare una na ako..baka malate ako eh..

robert: sabay na tayo tutal mukang isa lang daanan natin..

marco: cgecge(buti makakalibre ako ng pamasahe)



sa kotse ni mark..

melai: honey drop me in fairview mall ha..i need to buy something there..

tahimik lang si mark..

melai: honey, is there something wrong?

mark: wala naman, wag mo na lang ako pansinin..

melai: but honey..you....

mark: i said wag mo na lang akong pansinin!!!!

melai: ok if thats what you want!

wala padin reaksyon galing kay mark, pag dating sa parking lot ng mall..

melai: byebye honey(sabay kiss)

umilag si mark..

melai: what the!(at bumaba na sa saksakyan)

mark: arte mo(bigalang harurot palayo)

melai: tsk! bakit kaya ganun ugali nun(takang taka)

hindi man lang sumasayad sa isipan ni melai kung bakit ganun ang nagiging ugali ni mark sa kanya. nagtatanga tangahan lang ba sadyang manhid tong si melai, pero sa isipan ni melai ay may pagdududa na baka umaasa pa rin si mark sa dati nitong kasintahan n muli sila ay magbalikan ngunit wa keber padin si melai.



magaalas nwebe na nang bigalang may binatilyo na nagsisigaw sa labas ng bahay nila aling marta..

binatilyo: aleng marta!!aling marta!! andyan ba kayo!!aling marta!!

marta: o iho, bakit? anu kelangan mo?

binatilyo: c mama kasi pinapatawag kayo may papagawa ata sa inyo..

marta: ahh ganun ba?cge sunod ako magbibihis lang ako.

binatilyo: sige ho!

mukang sinuwerte pa din si marta sa araw na yun, kung hindi man manecure paglalaba o pamamalantsa ang hatid ng binata sa kanya..

marta: mga anak! pupunta muna ako dyan kela sweste ha, daanan ko na din si junjun sa mga kaibigan niya para ihatid yung pagkain niyo tutal naka bente naman ako na kinita kanina..

jema: naku nay! wag mo bibigay yung pera sa kanya, sigurado pang rurugby lang yun ng mga kaibigan niya, at siya nga pla nay aalis ako ng alas 2 kasi 2:30 magsisimula yung exam ko..

marta: jema! wag ka nga magsalita ng ganyan sa kapatid mo..wag ka magalala ibibili ko ng sardinas to sa kanto at ipapaabot ko na lang kay junjun para diretso uwi na yung batang yun..at galingan mo sa exam mo mamaya..

sabay yakap ng mahigpit sa kanyang anak na animoy hindi nito papakawalan ang anak sabay bulong ng ¨mahal ko kayong mga anak ko¨

jema: nay hindi ako makahinga(takang taka kung bakit ganun na lang ang pagkayakap ng kanyang ina)




habang naglalakad papasok ng pabrika, takang taka si marco kung bakit marameng tao sa labas ng gate nito, nagsisisgawan na parang may maliit na meeting de abanse, may mga bitbit na kartolina at plywood na nakasulat na
¨itaas ang sahod ng maliit na maggagawa¨ , ¨maghuhunger strike kame dito pag hindi niyo itaas ng P125 ang sahod namen¨..
bago palang sa mata ni marco ang gantong sitwasyon pero mas nanaasin niya na pumasok na lang kesa makisali sa mumunting rally na ginagawa ng kanyang mga kasamahan sa trabaho. mas iniisip ni marco ang kanyang ina kahit mababa lang ang sahod eh kakayanin parin nilang mabuhay.



bago pumasok, naisipan muna ni mark na magkape sa starbucks na malapit lang sa opisina niya. madalas nia itong ginagawa para matanggal ang pagkainis sa asawa kasabay ng pagtext o pagtawag sa dating kasintahan na si cristie..

ring..ring...

cristie: hello!

mark: asan ka?

cristie: nasa condo ko, bakit?

mark: gusto kitang makita, pede ba ako pumunta dyan ngayon?

cristie: wag na may pasok ka pa at baka magalit ang asawa mo, tsaka hindi mo ba maintindihan na ayoko na ulit makikita yang pagmumuka mo!

mark: please cristie! gusto kita makita, hindi ako papasok para sayo, gusto talaga kita makausap at makita, parang awa mo na!

cristie: cge huli na to, mamayang 5:00pm magkita tayo sa resto, sa dati..wag ka malalate kahit 1 min. yun na ang huli..bye!!

mark: sala...tottottotot....(sabay baba sa kabilang linya)


to be continued....

Friday, July 11, 2008

kontra emo

may entry sana ako na pang award winning pero d ko muna popost..

isang epal na entry muna ang ipopost ko(epal nga ba??indi rin!). Masarap kasi mainlove.. kaya ko naisipan na magsulat ngaun..

naranasan nu n ba mainlove ng todo?? hindi puppy love, hindi din imfatuation<- Tama ba spelling ko?, hindi din basta crush lang, diba ang sarap ng feeling? para kang nakapag rolling stone(oh alam niyo na yan, posibleng hindi)tipong yung kaluluha mo eh lumilipad sa alapaap, yung mga problema mung sang dekada mo nang iniisip eh bigla na lang mawawala, yung heart rate mong kasing bilis ng F1 kung tumibok at mga pangarap mo unti unting binubuo sa isapan..

oo masarap mainlove lalo na kung yung tao n yun eh same feelings din katulad mo..sabi nga ni doctor love ay ni joe d'mango pala ¨it takes two to tanggo¨ teka siya ba nagsabi niyan.. oo siya ata pero di naman importante yun.. tama nga naman, mas masarap mainlab pag dalawa kayo, kahit wala nang sex(wushooooo imposible yun!)eh ayus lang..kahit nga tukaan lang panalo na eh..ang importante naman dun eh yung kinikilig kayo, nagmamahalan ng totoo at ultimo sa panaginip nandun siya´t nagaabang..haha(tanggal ang emo d2)

kung pede nga lang pahintuin bawat minuto o bawat segundo para lang sa pagkakainlaban n yan eh gagawin ko..ay este kau pala(inlab din nman ako, d lang inlab, kung may salita na lalagpas pa sa inlab, yun ako ngayon..para sayo to kinaadikan ko..hehe)washoo...tama na..para sa mga inlab dyan..
if you want to request for a song just text: songtitle/artist/album/name/address/age and send to 666...
sigurado yung mga request nio eh matutupad..
Libre na may free ringtone pa..kakatok pa yun sa pintuan mu para iabot yun g ringtone..

DJ!!!!sound pls..bam bam..dodowat..bam bam..dodowat..bambam...

Friday, June 27, 2008

yosi!!

ewan ko ba kung bakit yosi ang naging title ko sa istorya na to. habang nag iisip kasi ako kung anu pede ilagay na entry (with matching sound of nymphetamine by cradle of filth pa un ahh) bigla ako napatingin sa yosi ng aking erpat, at syempre madalas ko naman gawain un lalo na pag gabi at sarado na ang mga tindahan, kukunin ko yun at yoyosihin, talo talo na kahit philip morris pa un(marlboro light band ko eh). sabagay pabor na din sakin un kasi medjo mahaba at matagal ubusin..

Sabi nga nila yosi daw ng mga babaeng mababa ang lipad ang philip eh.. pero ayos lang parehas lng na yosi yan, usok lng naman ang hihigupin mo at ibubuga mo kaya walang rin naman pinagkaiba sa mga mamahaling yosi na nagkakahalaga ng isang daan piso o higit pa, at ang resulta tubercolosis, katarata, lung cancer at marame pang iba... ayan bigal tuloy ako natakot sa mga magiging resulta(pero nagyoyosi habang iniisip ang isinusulat).. kung sabagay mahirap din naman kasi huminto sa maninigarilyo ang isang tao eh, pag naging adik ka na sa yosi,eh daig pa nito ang nagiging adik sa bato at damo, kasi nga naman kung tutuusin 2 piso lng may yosi ka na, eh sa ibang bisyo aabutin k pa ng daan daan para lang masustentuhan ang bisyo mu, kung may isang daan ka, isang gramo o isang balot lng ng bato at damo pero sa halagang isang daang piso ng sigarilyo, ay aba mayaman k na!

naalala ko tuloy nung high school pa ako, perstym ko magyosi nun at nagtatago pa kame sa mga gwardya ng school namen, kasi pag nahuli lagot na! ipapatawag ang magulang at pede pa masuspend, kaya nagyoyosi kami minsan sa mga tagong lugar tulad ng cr, sa mga classroom na inde inuukupahan at kung minsan sa kubo sa canteen. hindi naman maamoy ang usok kasi pagkatapos eh magsspray ng ralph lauren na pabango na galing tate pa(kasi sa panahon na yun mahal ang pabango kaya d kaya ng budget)ayon nauubos lang sa pag spray para sa usok..Pero nung nagcollege na ako, dun na nagsimula ang pagiging pugon(malakas mag yosi, paarang chimineya)every other subject yosi lng ng yosi, lalo na pag break, kasama ko pa ang mga professor ko n nagyoyosi, tinagurian pa naman silang doctor..

Pero nakakalungkot lang isipin pati ang mga nahahanay sa medikal ay d rin natitinag kahit alam nila ang epekto ng pagyoyosi, kahit naman din ako graduate ng kursong nars eh d padin nagbabago, meron nga ako nabasa na articleposter na¨smokers body¨ na nakadikit dun malapit sa clinic namen, ayon dinedma ko lang, eh sa gus2 ko magyosi, kung sa bagay may punto nga naman yung articleposter n yun..kaya nga pati ang mga brand ng yosi ngayon may mga warning signs na eh ¨smoking can kills, smoking can cause lung cancer, blah blah blah¨ para lang mahinto ang mga adik..Pero dedma padin..cge lang sa kakayosi kasi d nman napapansin yung lalagyanan eh..lalo na pag hayok na hayok na para lang makahigop sa yosi malamang sa malamang yun 2 o higit pa n magkasunod ang titirahin niya..

Pero alam niyo ba na sa isang pirasong sigarilyo ang katumbas nito ay isang araw ng buhay natin, at sa bawat kada sampung segundo eh may namamatay sa paninigarilyo. ayon ito sa WHO o world health organization.. pero ang mas malupit dito eh ay mas dobleng sakit ang mararanasan ng second hand smoker o yung nakakaamoy o nakakahinga ng usok ng sigarilyo n galing sa binuga ng naningarilyo..




nasa sayo na yan kung tinamaan ka..pero ako..yosi padin ako..ikaw anu plano mu?

Thursday, June 26, 2008

sabi nung isa

may dalawang magkachat at nagaaway...

chatter1: youre nobody!

chatter2: huh?!?

chatter1: in tagalo wala kang silbi

chatter2: un ba yun..

chatter1: yup thats like it is!!

chatter2: anu ulit?

chatter1: marunong k ba magenglish

chatter2: oo, pro weird yung english mo eh..magtagalog k nalng kaya..

chatter1: in tagalog yun nga yun

chatter2: wtf get loss

chatter1: loss or lost


hahahahaha..ampota magkachat yan..natatawa ako d2 sobra..hahahahha

Tuesday, June 24, 2008

ngayon alam ko na!!

marameng katanungan sa mundo na mahirap sagutin..wag k mahiyang mag tanong kaibigan, ang nagtatanong ay marunong at marameng alam..

nakakamis din na mamalengke kameng dalawa sabagay medjo busy na din kame sa trabaho pero nagkakaroon padin kame ng bonding kahit papano..

scene:kaninang hapon habang sinamahan ko ang aking ina sa pamamalengke

habang nasa palengke kame, pumasok nanaman sa utak ko ang katanungan na madalas sumasagi sa akin isipan tuwing nasa ganung lugar ako, hindi yung mga kakaibang tanung na ¨bakit ang isda kahit patay na! mulat padin ang mga mata nila?¨, hindi rin yung katanungan na ¨bakit walang palenge na langaw at ipis free sa pilipinas?¨ at lalong hindi naman ang mga kataanungan ng ibang aktibista na takang taka kung bakit ang mahal ng bigas,hindi sa minamaliit ko ang ibang aktibista, aktibista din naman ako pero yung mga ganyang katanungan, alam n naman nating yung mga sagot eh, hindi lang tayo makapaniwala na totoo na ang nangyayari!. eto na ang mahiwagan tanung, ¨anu kaya yung bilog na puti sa gitna ng karne?¨ hint: makinis ito, tama lang, mukang mata pero wla nmn mata sa loob ng laman dba.

ikaw alam mo na? magtanung ka sa ¨butcher¨ dahil ako alam ko na ang sagot..

~ang babaw lang nang kaligayahan ko pero kakaiba ito~

Saturday, June 21, 2008

waiting!!

there's no harm in waiting

>cge hintayin mo n mamatay ka! there's no harm pla ahh!!

Wednesday, June 11, 2008

iiyak ka din!

BITTER KA PA BA OR BETTER KA NA BA??!
*********************************************************************
Nakakatawa talaga ang love..
Lahat ng pwede mong masabi sa kanya,
baliktarin mo at totoo pa rin.
Ang labo diba? Pero ang linaw.
*********************************************************************
Masaya magmahal. Malungkot magmahal.
Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo.
Walang rason. Maraming rason.
Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin.
Masakit magmahal. Pero okey lang.
*********************************************************************
Leche, ano ba talaga?!
May kaibigan ako, sabi niya dati
"Love is only for stupid people."
Nakakatawa kasi loud ang standing niya,
pero dumating ang panahon,
na-in-love din ang hunghang.
At ayun, tanga na siya ngayon.
*********************************************************************
Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig.
Lahat ng bagay nababaligtad din niya.
Lahat ng malalakas na tao, humihina.
Ang mayayabang, nagpapakumbaba.
Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Theresa.
Ang mga henyo, nauubusan ng sagot.
Ang malulungkot, sumasaya.
Ang matitigas, lumalambot.
(At tumitigas din ang mga bagay na
madalas nama'y malambot.)
*********************************************************************
Nakakatawa talaga.
Lalo na kapag dumadating siya
sa mga taong ayaw na talaga magmahal.
Napansin ko nga eh.
Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit,
sabihin mo lang ang magic words na
"Ayoko na ma-inlove!" biglang WACHA!!
Ayan na siya. Nang-aasar.
Magpapaasar ka naman.
*********************************************************************
Di ba nakakatawa rin na pagdating
sa problema ng ibang tao, ang galing galing mo?
Pero 'pag problema mo na yung pinag-uusapan,
AYAN NA!! NANGANGAMOTE KA NA!! Nung ikaw ang
nagpapayo parang "LOVE DOCTOR" ang dating mo
pero pag ikaw na ang may problema sa PAG-IBIG
eh hindi mo na alam KUNG PAANO MO GAGAMUTIN ANG
NARARAMDAMAN MO... NATURAL!!! Eto ang sasabihin
sa inyo ni M.C. DUANE, BAKIT NAKAKITA NA BA KAYO
NG DOKTOR NA GUMAMOT NG KANYANG SARILE?? HAHAHA!!!
*********************************************************************
Parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo
dun sa namomroblemang tao Naiisip mong wala namang mali
dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama?
*********************************************************************
Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong
tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig.
"Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!"
"Ang sarap mabuhay. Pwede na 'ko mamatay. Now na!"
*********************************************************************
Ang sarap din pagtawanan ng mga taong
alam naman nilang masasaktan lang sila
eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig.
Tapos 'pag luray-luray na yung puso nila,
siyempre hindi sila yung may kasalanan. Siya!
*********************************************************************
"Bakit niya 'ko sinaktan?"
May kasama pang pagsuntok sa pader yon,
at pagbabagsak ng pinto. Hayop talaga.
Mauubos ang buong magdamag ko
kakasabi ng mga bagay na nakakatawa
'pag pag-ibig na ang pinag-usapan.
Ang daming beses ko na kasi siya nakasalubong
kaya masasabi ko nang eksperto na'ko PAGPAPAYO..
Pero wala pa rin akong alam N' that's FOREAL!!!
*********************************************************************
Pero ang pinakanakakatawa sa lahat
ay ang katotohanang kapag
gusto magpatawa ng pag-ibig,
ipusta na mo na lahat ng ari-arian mo
PATI NANAY AT TATAY MO IPUSTA MO NA DIN
dahil siguradong ikaw ang punchline.
Nakakatawa noh?? Nakakaiyak...... LOLS!!
********************************************************************

Saturday, June 7, 2008

best line

mga napakawalang kwentang linya na sinasabi ng babae sa lalaki pag sila ay naghiwalay(probleado lng kaya gumawa,,ampota)

wala kang kasalanan, di ko lang talaga maramdaman..
>eto madalas ko na naririning, yang mga linya n yan..wla daw maramdaman kuno, nagtagal pa kayo kung hindi maramdaman..

eh sa nagsasawa na ako sa parating ganto, parate na lang tayo nagaaway..
>aysus! kahit sa pelikula may ganyang linya din, direktor cguro yung gerlprend mu..

its not you, its me..break na tayo
>woooooooooooo! kfc?

wala!wala akong iba,bakit ayaw mu maniwala!
>malamang sa malamang di k aamin para magmukang ikaw ung bida pag maghihiwalay..

bakit kasalanan mo naman kong bakit ako naging ganto dba??
>kasalanan?anu k patawa?

im sorry bigalang nawala eh!
>anu yan panaginip?na parang bigla kang ginising?

bigyan mo muna ako ng time and space para makapagisip
>na sayo naman lahat ng time and space, d mo lang ginagamit kasi d ka marunong gumamit.

~pero ang da best n litanya na pamatay yung tipong wala kang masasagot kasi nabasag ka ay eto:

d n kita mahal, wag k na umasa pa, masasaktan k lang!
>ampota<---yan lang masasabi ko


~pb ikaw ba to o cla??

ahahha

Friday, June 6, 2008

nakakainip na!

ilang araw na din ang lumipas, hanap padin ng hanap ng trabaho d naman matanggap..pati ang malapit na tao sa buhay ko lumalayo na para lng makahanap ako ng trababo..teka un ba talaga ang rason??dapat di ba siya ang maging inspirasyon(yak! ang lambot)..

madame ng pumapasok na dahilan sa utak ko..nakakainip na!

scene:bagong gising mula sa pagkalasing.

daday: koya gising k na maglilinis n ako.

boy: tinadyakan!pak.(pota ayoko sa lahat ay yung ginigising ako pag tulog na ako)

daday: suri koya, baka kasi magalit k nanaman pag d ako naglinis eh..

boy: mamaya k na maglinis nakita mo pang natutulog ako eh, anung oras n ba?

daday: alas dyes n po.

boy: anak ng! bat d mo ako ginising ng mas maaga? kita mo manunuod ako ng one piece eh..

daday: kanina ginigising kita koya tapos nagagalet ka, ngaun ako sisihen mo kase d kita nagising magagalet k padin..

boy: sige na sige na tama na! 4 + 4 na lang?

daday: ewan ko sayo koya..


pumunta ako ng kusina para maghanap ng pag kain, sakto may iilang piraso ng gardenia bread at pansit kanton.

boy: daday! may iniwan bang pera si mama??

daday: anu yon koya?

boy: tangina ang bingi mo..sabi ko may iniwan bang pera si mama??

daday: wala po koya..

boy: ay ganun b.

habang kumakain naalala ko nanaman yung rason kung bakit ako na lasing kagabe,biglang pumasok sa isip ko na baka may nag text o tumawag pero wala kahit yung 2977 d rin nagtetext, anu kaya meron bakit ang malas malas ko ngayon araw na to, isang natural n araw lang naman to para sakin pero bakit ganon?

biglang dumating ang tropa ng utol ko para mag yaya mag basketbol dahil sa kainipan naisipan ko n ding sumama.

makatapos ang 1 kalahating oras pag uwi sa bahay tumingin ulit ako sa celpone ko para i check kung may nagtext o tumawag, ayon inabot ng malas may 3 beses na tumawag na iisa lang ang number tapos sangkatutak na messeages, yung iba sa pagaaplyan ko ng trabaho at mga taong nagayaya magsimba at mag apply at yung iba naman ay sa taong dahilan ng pagkalasing ko.

naiinip na ako ang dameng tumatakbo sa utak ko, parang natatagal na ung mga turnilyo dahil sa mga tumatakbo na yon.sakto may tumawag!

boy: hello!

caller: is this boy?

boy: yes. who´s this?

caller: jes.

c jes kasi ang hr manager ng isang call center n tropa at naging babae ng kaibigan ko, kaya madali n ako makakapasok.

boy: ahh ok!!friend of jeff?

caller: yes yes..teka kaboses mo siya.

boy: (taena to nageenglish pa pede naman mag tagalog) oh!baka ako yun? anu pala requirements pag mag aaply ako dyan?first time ko kasi mag apply eh.

caller: uhm..resume lang then yun.

boy: o?eh yung mga sss, clearance etc?

caller: wla na yun..basta sila n bahala..

boy: ay ganun ba?

caller: oo sila na bahala..ay teka lagay mu yung name ko sa reference mu ha..

boy: o sige sige..

caller: ok thanx, ill text you then.

boy: ok thanx din..

sa wakas tinawagan din ako,pero malayo yung trabaho sisiputin ko ba? pede n rin yun siguro para matuwa naman si marie(kasintahan na nagpupursige na maghanap siya ng trabaho tapos iiwan sa ere, siya din ang dahilan ng pagkalasing), sa sobrang tuwa ko tinawagan ko agad siya, pero walang sumasagot, tinext ko....ganun din d rin nagrereply..hay..emo emohan nanaman ang dating pero ayus lng tumawag naman yung sa trabaho eh at least may pag mamalaki sa kanya..

araw ng pagaaply

tinext ko si jes "jes im sorry i cant go, d pa kasi ako prepared eh, tska kinakabahan ako pede some other time na lang¨ nakakahiyang aminin d ako magaling sa pageenglish pero nakakasabay tska takot ako sa call center mag trabaho, ayoko kasi ng nakaupo lang, tinext ko din c marie sabi ko d ako pumunta kasi natakot ako bigla, dun pa lang siya nag reply at sang katutak na mura ang inabot ko(sa isip isip ko bakit asawa n ba kita at mumurahin mo ako pag wala ako nahanap n trabaho) bumabaw ang tingin ko sayo, kung sa dati naeexcite ako ngaun hindi na..

ilang linggo na din ang lumipas, nandun pa din ang inip sa utak ko, d ko alam kung anu ang dahilan, pero hangang sa unti unti n din nagbabago ung pananaw ko, d ko alam kung bakit ako naiinip. di ko alam kung may hinihintay akong malaman, pero hanggang ngayon wala pa ding kasagutan..


-maiksi lang ang pasensya ng isang tao..kaya wag mong sagarin.
-madali lang din mapagod ang isang tao lalo na kung pinapaasa sa d alam n dahilan..

~o wag mong seryosohin! maiksing kwento ng simpleng buhay na naiinip lang to

text

bakit yung iba tinetext at tinatawagan mo, bakit ako hinde - emergency hotline(tawagan mo naman ako minsan o text mo ako)

Thursday, June 5, 2008

ang dame mung alam!!

oo ikaw ang dame mung alam..bat d ka pa magpakamatay..

matagal n panahon na nung ganyan padin sinasabi mu paulit ulit na lang, nakakarindi na sa tenga, bakit kala mu sikat ka?? ASA K PA!! mabuti pa ang tahong kahit red tide sikat padin..eh ikaw kahit anung gawin mu d ka padin sikat..sa sobrang dame mung alam mabuti pa nga talaga magpakamatay k na..
yaan mu gagawan kita ng kanta, kung sa kaling marinig mu sana matunaw n yang utak mu sa sobrang dame mong alam..

oo ikaw yun, wag k na tumingin sa katabi mung nanahimik..simulan mu na magpakamatay..

Wednesday, June 4, 2008

panaginip

hay..wasted..ako ay nahulog sa isang malalim n balon d n makabangon, wlang ilaw, walang kasama. nagaantay na mapuno ang balon para ako ay mapataas ng tubig..pero tagtuyot, may el nino, panu na mangyayari..
bigla n lang ako nasa eroplano n magcrcrash landing sa d alam na lugar,dalawang tao nalang ang nandun, naghahanap ako nang parachute pero ubus na potangina binuraon ng iba, nakatingin ako sa babae n yun, parang sa mga mata namen ay nagusap kame na isama niya ako pero bigla na siyang tumalon at naiwan ako sa eroplanong babagsak..

bog!!malakas na lagapak pagising ko naiicip isip ko na isa plang panaginip..pooooteeekk!! bwisit na bwusit ako,kahit sa panaginip ganun pa ang nangyari..d n nga makaisip ng matino, d na makakain ng maayos tapos ganun pa ung nangyari,kala ko kabaliktaran ung panaginip pero bat ganun magkapareha..buhay nga naman!!

ilang linggo na lumipas inti unti na nagbabago..may mga alala padin na tumatakbo at naglalaro sa aking isipan..hay..parang peklat sa mata na hindi na maalis..potek!!pero kakayanin ko padin..emo emohan nmn ang buhay..