Thursday, December 4, 2008

overpass

naalala ko nung mga panahon na nagrereview pa ako dyan sa isang kilalang review center sa morayta eh madalas ako napapadaan tuwing umaga sa overpass sa kanto ng kfc at 711 kung saan sarit sari ang makikita sa iilang metro lalakaran.

nung una ako dumaan dun, at dahil first time ko sa lugar na yun ng ganung oras eh para akong musmos na bata na nagmamasid sa paligid. pag apak ko pa lang sa hagdaan eh napansin ko na agad ang isang badjao na may kalong na bata, habang naglalakad pataas sa overpass eh naisip ko na, akala ko dati mga alaga ng sindikato sila, saan ka nga naman kasi makakakita ng badjao na nanlilimos tas aabutan ka ng laminated na papel at may nakasulat na "badjao daw sila at galing sa gantong lugar tapos achuchuchu" tapos pag di mo binigyan eh kukulitin ka ng kalabit! at ang malupit pa dun, pag nakita pa ng isa pang badjao na binigyan mo ng limos o pagkain yung kasamahan nila na badjao eh lalong di ka natatantanan sa paghingi ng limos(only in the philippines lang yan)pero nagkamali ako, may badjao din pla na nagsasabi ng totoo, na yun lang talaga ang nakikita nilang paraan para mabuhay. ako kasi yung tao na nagbibigay ng limos o pagkain sa mas karapdapat bigyan, hindi yung dahil sila ay nadudumi, may kapansanan, iba ang lahi, babae, lalaki, bata o kahit anu pang category yan, oo! lahat sila hindi dapat pabayaan at kaawaan dahil di nila ginusto ang mabuhay sa ganun situasyon, pero kaya naman ng iba gawan ng paraan yan para mabuhay sila, na tipong sila na mismo ang kikilos para sakanila, at nakakalungkot lng din isipin na ang iba ay sa maling paraan ang gingawa nila para mabuhay..

habang patuloy sa pagaakyat sa overpass ay naaninag ko agad ang mga nakahilatang mga bata na pawang nasa evacutation center ang dating, kung saan kabikabila ang mga natutulog na tipong ikaw pa ata ang mahihiyang dumaan kasi baka magising sila, para sa katulad nila na di masyado pinapansin sa lipunan ay presko na ang ganung higaan, oo nga naman karton na pinagpatong patong lang at bubong ng overpass eh parang hotel accomodation na sa para kanila wala nga lang free buffet breakfast,na para sa ay sobrang hirap maghanap ng matutulugan para sa isang gabi at kung minsan eh agawan pa ng pwesto, swertihan lang talaga kung naitatak na nila ang pangalan nila sa kanikanilang teritoryo..

ng nasa kalagitnaan na ako ng overpass nakita ko ang mag-ina na handa ng kumain na di ko malaman kung pagkain man yon o kung anung bagay na kakain nila, di kinaya ng sikmura ko yun..kaya bumalik ako sa pinagakyatan ko at sabay diretso sa 711 nagmamadaling bumili ng kahit anung maisip na pagkain sa pagbabaka sakaling di nila makain ang nakita ko. hindi ako nagbibida bidahan o good samaritan pero nahihirapan ako huminga pag nakakakita ako ng mga ganung situasyon, minsan nga sa sobrang gusto kung tumulong pero wala akong maitulong eh napapailing na lang ako at unting unti mamumula ang mata ko pero hindi sa luha, madalas ko tinatanung ko sa sarili ko, kung bakit ba naman kasi may mga ganung pangyayari pa na hindi maiiwasan? at bakit may mga taong mas lalong nagpapahirap sa mga tulad nila at sila naman ay nagpapalobo lang ng sariling interest?

agad akong tumawid sa kabila pagkatapos iabot ang mumunting pagkain nabili ko, ni hindi ko na nga nilingon kung kakainin nila yun o hindi at pinangako ko sa sarili ko na hindi na ulit ako aakyat sa overpass yun, hindi dahil sa mapapagastos lng ako, kung hindi, dahil sa nasasaktan ako sa mga ganun pangyayari..

oo!!eto ang tulay na buhay ng mga tulad nila, minsan may dadaan na swerte at kadalasan ay wala, hindi masamang tumulong at hindi din ito kabayanihan lalong lalo na hindi ito pakitang tao, masarap lang talaga makarinig galing sa bibig nila ang salitang "maraming salamat po!" o kahit makita mo lang mga mata nila ang ngiti kahit pangsamantala lang..

4 comments:

Anonymous said...

oo yan ang masaklap na katotohanan ng buhay. kaya pasalamat tayo sa kung anong meron tayo..
ektwali, magandang pang set ng mood yan habang nag rereview.. iigihan mo talagang pumasa wag lang matulad ang future mo sa kanila..
sama ka sa outreach natin ha..
dapat pala kayo ni chie ang pakners, pareho kayong mahuhumaling sa ganitong tagpo ng buhay.

Anonymous said...

NSAN NA ANG COMMENT KO DITO???!?!?!

Unknown said...

what this world needs is a second flood... too many evils... too much poverty... too many problems... too many people... kailangang linisan ulit ang mundo.

bitter truth... lalo't lalo nang nasa pilipinas tayo... :( change may not be impossible but it would take a long time... considering the way our government works these days...

look at the bright side though. di mo kailangang magtiis sa malamig at maalikabok na sahig ng overpass kasama ang mga ipis, daga at mga batang walang mauuwiang matinong tirahan...

billy yow well said...

@ lv
ewan ko po boss..nawala ba..hanapin ko sa lost and found mamaya..hihi..

@ urban princess
ahh..ehh..sinabi mo na lahat..pero sabi nga nila este sabi ko.. di mo kasalanan na pinanganak ng mahirap pero kasalanan mo pag namatay ka ng mahirap..