Monday, February 2, 2009

tunog ng buhay

napapansin ko, sa tuwing na stage ako ng depression eh isasaksak ko lang sa tenga ko ang headset sabay makikinig sa isang maiingay na musika, parati na lang routine yun, kahit pa ba sobrang sabog na ng utak ko sa kakaisip eh mas papasabugin pa ng mga kanta kong maiingay.
sabi nga nila "anu naman daw naiintindihan ko sa mga ganung lyrics eh puro mga sigawan lang yun" eh simple lang naman yung sagot eh.."pag gusto mo isang bagay, kahit panget pa sa ibang tao basta para sayo maganda eh talagang gugustuhin mo". para sakin panget ang RnB, ang mellow music, ang love song, pero para sa iba gusto nila yun..anu ba magagawa ko kung di tanggapin na lang diba, di ko naman sila pinapakain para sundin ako vise versa din para sakin..
naalala ko pa sinabi ng isa importanteng tao sakin na "ayan depressed ka nanaman, makinig ka na lang sa ipod mo" nakakatuwa lang isipin na ayaw niya ng mga ganung kanta pero gustong gusto niya na pinakikinggan ko to! ewan ko inuuto lang naman ako nun..di siguro.o baka oo..

katulad ngayon, halos nauubos oras ko sa pakikinig ng mga ibat ibang genre, trying to compare each lyrics and instrument, pero di ako tumatagal rock lang talaga eh, saan ka nakikita ng nagrereview eh may headset at sigawan pa yung kanta, pang lullaby eh heavy metal tas sabay pag dating sa heartaches sabay mellow and alternative atleast di emo..

para sa katulad ko, malaki natutulong ng pakikinig sa music, yun na lang pang bawi ko eh..di naman ako magaling kumanta oh sumayaw at least sa pakikinig meron ako,,di naman lahat ng tao talentado, kaya magmasid o makinig na lang..

2 comments:

Axel said...

Ako din kaya kong matulog habang nakikinig sa rock... Tama nga naman, wala na silang pake kung nagugustuhan natin ang rock kahit na minsan hindi talaga maintindihan ang mga lyrics...

billy yow well said...

oo nga axelis..kahit pa sigawan yun..wahehehe..at oo may blog ako..:)