Saturday, February 14, 2009

balentino at balentina

at dahil puyat nanaman eh assual late din ang gising buti na lang umabot ako sa tanghalian,
pero nung mga bandang umaga pa lang eh naririnig ko ang tatay ko na may sinasabi sa aking butihing ina

tatay: "si billy nga pagsabihan mo na wag madalas umalis"
nanay"....
ako: nako naman..ngayon nga lang umalis eh(akala kasi, nung mga nakaraang araw eh gumagala ako, pero ang di niya alam, dahil sa sobrang butihing pamangkin ko eh binabantayan ko ang aking uncle sa hospital pero ang totoong rason eh bibigyan ako nun ng pera para sa pagbantay ko.wala eh dahilang tambay ng 11 mos.)

so ganun na nga ang nangyari subalit sa sobrang puyat ko dahil alas syete na din ako nakauwi eh di ko na pinansin(dahan dahan pang papasok ng kwarto kaninang paguwi ko).
ayun n nga, pagkagising ko diretso sa cr, napansin ko ang isang bokey ng plower sa upuan, dedma padin kasi di naman akin yun..
paglabas ko ng cr sabay tawag sakin ng aking ina na kakain n daw, edi umupo na ako sa lamesa, eh medyo tuliro pa, akalain kong menudo ulam so nagtaka ako kasi habang kinakain ko bat parang may twalya yung menudo..ayun one of the inventomenu na naman ng aking ina..(pero dahil mahal ko siya kahit lasang pork and beans na may twalya yun eh okey lang)

habang nasa kalagitnaan ng tanghalian biglang nagsalita nanay ko,tinanung sa kapatid ko kung kanino daw bulaklak at saan galing

nanay: bige kanino yang bulaklak?
bige: di sakin yan pinatago lang(sabay text sa kabilang kamay at subo sa kabilang kamay-walang manners)
ako: ...
nanay: ahhh
mamaya pa onti may babaeng nasa gate namen, kaibigan pala ng kapatid ko..ayun niyaya ng kapatid ko na mag tanghalian sa bahay..sa kakulitan ng nanay ko..interisado kung kanino galing yung bulaklak..
nanay: oh keng, sayo ba yung bulaklak?
keng: di po..sabay tingin sa kapatid ko.
bige: (tawa lang)
ako: ayus ahh..valentines gift may kahati..
nanay ko: buti pa si billy siya nireregaluhan..
ako: oh well,ganun talaga..
bige: oo nga..buksan na natin yung malaking chocolate mo..
ako: ayaw ko nga, yang bulaklak niyo oh, kaniinin niyo..sa susunod kasi chocolate o cake paregalo niyo..
ayun n nga di lang pala babae ang reregaluhan ng mga valentines gift..sana pati mga lalaki din..wahaha..unfair eh(ika nga ni kuletz)para sa nagregalo ng chocolate sakin..eh goodluck sayo!

at para sa lahat ng taken, still to be taken, taken for granted, assumed to be taken, needs to be taken, waiting to be taken, almost taken, never been taken, overtaken eh spread the love..
HAPPY VALENTINES!!

No comments: