Mga kasama takbo!!!nandyan nanaman sila!!!!
potangina naman ohh!! nandyan nanaman kayong mga alagad ni pink ranger, kukunin niyo nanaman tong mga gulay ko..
alam mo naman na bawal magtinda dito sa gilid ng highway dba?
oo nga alam ko yun! pero saan ako magtitinda?sa kakarampot na kinikita ko, ni pambayad nga ng pwesto hindi ko magawa tapos kukunin niyo nanaman tong paninda ko!!
hindi lang naman kayo ang kinukunan namen eh... lahat ng mga nagbebenta dito kinukuha namin..at alam niyo naman n bawal dito..at diba ilang beses na namen tong ginagawa, di parin kayo natuto.. mga potangina pasaway kayo!!
wag mo nang kunin to, parang away mo na!pangako sa susunod sa iba n ako magtitinda, sa hindi niyo n mahuhuli, wag lang ngayon parang awa niyo na ho..dito nalang ako kumukuha ng pang pagkain namen..
aleng marta pasensya na at sumusunod lang kame sa utos ni pink ranger..
(eto ang madalas na eksena sa tuwing dumadating ang pink truck at mga alagad ni pink ranger sa gilid ng sikat na highway sa q.c.)
sa kabilang dako..nay! papasok na po ako..yung gamot niyo na taas ng lamesa wag n wag niyo kakalimutang inumin yun.. alam ko na pasaway ka pero parang awa mo na sundin mo naman ako minsan..
ochige na anak hik! madalas ko na nariri hik! naririnig sayo yan.. shindi ako inutil hik! may sakit ako pero shindi ako inutil hik!
nanay naman oh!!ang aga aga gin nanaman yang hawak mo, sabi ng doctor wag ka na uminum pero matigas yang ulo mo!!maawa naman kayo nay!!hirap na nga ako tapos ganyan ka pa..
gagoow!!! kaya nga finafabilis ko na yung hik! buhay ko para hindi k na mahirapan eh hik! pumasok ka na sha trabaho mo, hik!! teka hik!! wag mo kalimutan yung pambili ng ulam..hik!!
bumili na ako dyan nay..wag ka na umasa n iiwanan kita ng pera!!ang aga aga bwiset agad yung sasalabong(pabulong)
eto marco.. masipag, mapagmahal na anak, walang iniisip kung hindi ang kanyang ina na may sakit pero lasengera padin..at sa kabilang dako pa!!honey, wake up! its already 7 am..
dammit..wag mo akong gigisingin..pagod pa ako..
but honey... you need to go to work..
work! work! work! work!im tired of it.. i need to rest.. leave me alone!!!
honey!!!stop acting like a child, we´re already married, we need money, we need our future..
napilitan lang ako n pakasaan ka(mahina na salita)
what did you said?!!
i said papasok na ako!!
eto sila melai at mark.. napilitang pakasalan ni mark si melai kung hindi dahil niloko siya ng dati niyang kasintahan..at eto ang resulta..
umaga pa lang ay masipag ng namimitas si marta ng gulay sa kanilang bakuran upang ibenta sa gilid ng highway..si marta isang di matatawarang ina sa kanyang 4 na anak, iniwan ang asawa dahil hindi masikmura ang pananakit sa kanya at sa kanilang anak..binubuhay ang pamilya sa pagtitinda ng gulay sa umaga at sumasyd line ng pag mamanecure pag nakokompiska ang kanyang mga paninda ng mmda, marami rin siyang raket pero hindi sapat sa kanilang pang araw araw na gastusin at pagkain..
maaga ng bumalik si marta sa kanilang tahanan mukang balisa at maiyak iyak..
marta: mga anak..pasensya na kayo at kangkong nanaman ang kakainin natin sa araw na to.. sana swertihin padin ako at may magpalaba diyan kela Sweste.
junjun(anak na pangalawa 16y/o): anu b naman yan nay! di kasi kau tumakbo eh!
jema(panganay 17y/o): anu ka ba jun! sa tingin mo ba makakatakbo si nanay?eh madame dame din siya napitas dyan a bakuran ntin..kung tumutulong ka ba naman sa pagtitinda ni nanay sana nailigtas pa natin yung mga paninda.
junjun: eh kung ikaw kaya tumulong, puro pagaaral lang naman yan iniintindi mu, bakit sa tingin mo makakakuha k ng iskolarship?asa ka pa!!
jema: buti ako may pangarap! eh ikaw sumasama diyan sa mga kaibigan mo na rugby boys!
junjun: aba gago ka..potangina mo!susuntukin kita dyan!
jimpoy(pangkatlo 12y/o): wag na nga kau magaaway! kita mo c joseph(6 na buwang sanggol) umiiyak na oh..imbes na pagaanin at tulungan niyo si nanay magisip kung panu tayo kakain dinadagdagan niyo pa yung problema!
junjun: tumahimik ka nga dyan..bata ka pa wala k pang alam!
jema: nay oh! pati si jimpoy inaaway ni junjun!
marta: mga anak tama na! nahihirapan na ako! puro na lang tayo problema, hindi maayos to kung puro tayo away.. mga anak parang awa niyo na, hindi ko kaya na ako lang magisa, tulungan niyo na lang ako..
junjun: tsk!(sabay walk out).
jema: kita mo nay bastos talaga yang ugali ni junjun.
jimpoy: oo nga nay!
marta: yaan niyo na siya, naapektuhan lang yon simula nung umalis tayo sa tatay niyo, at marahil tumatak padin sa isipan niya ang ginawa ng walang kwenta ninyong tatay.....
napatigil..jema: ay nay!! ngayong araw pala yung exam para sa scholarship, sana makapasa ako para para maiahon ko na tayo sa kahirapan pag ka graduate ko..
marta: talaga anak? (tanung sa anak habang tuwang tuwa ang mga mata sa sa narinig na pangarap para sa kanilang pamilya...)
habang papasok sa opisina..marco: manong pedicab diyan na lang sa sakayan ng bus..eto po bayad ohh..
stranger: pst!
marco: huh?sinu ka?
stranger: di mko kilala?
marco: inde eh, pasensya k na!
stranger: gago ka! robert to!
marco: robert?
robert: robert san isidro
marco: (parang tumama ng bingo) ay potarages ka! kamusta k na?
robert: eto mabuti naman..tagal n natin hindi nagkikita ahh?ikaw kamusta?
marco: eto mabuti naman, tinamaan ng swerte kahit hindi nakatapos eh natanggap sa pabrika ng pantalon..ikaw?
robert: talaga?ako, ahente sa bangko.
marco: swerte mo naman, sabagay nakatapos ka eh, at malamang malaki ang kinikita mo dun..
robert: hinde naman, sakto lang sa buwanang gastusan..
marco: ahh ganun ba..(commento pero may konting inggit) ahh pare una na ako..baka malate ako eh..
robert: sabay na tayo tutal mukang isa lang daanan natin..
marco: cgecge(buti makakalibre ako ng pamasahe)
sa kotse ni mark..
melai: honey drop me in fairview mall ha..i need to buy something there..
tahimik lang si mark..
melai: honey, is there something wrong?
mark: wala naman, wag mo na lang ako pansinin..
melai: but honey..you....
mark: i said wag mo na lang akong pansinin!!!!
melai: ok if thats what you want!
wala padin reaksyon galing kay mark, pag dating sa parking lot ng mall..
melai: byebye honey(sabay kiss)
umilag si mark..
melai: what the!(at bumaba na sa saksakyan)
mark: arte mo(bigalang harurot palayo)
melai: tsk! bakit kaya ganun ugali nun(takang taka)
hindi man lang sumasayad sa isipan ni melai kung bakit ganun ang nagiging ugali ni mark sa kanya. nagtatanga tangahan lang ba sadyang manhid tong si melai, pero sa isipan ni melai ay may pagdududa na baka umaasa pa rin si mark sa dati nitong kasintahan n muli sila ay magbalikan ngunit wa keber padin si melai.
magaalas nwebe na nang bigalang may binatilyo na nagsisigaw sa labas ng bahay nila aling marta..
binatilyo: aleng marta!!aling marta!! andyan ba kayo!!aling marta!!
marta: o iho, bakit? anu kelangan mo?
binatilyo: c mama kasi pinapatawag kayo may papagawa ata sa inyo..
marta: ahh ganun ba?cge sunod ako magbibihis lang ako.
binatilyo: sige ho!
mukang sinuwerte pa din si marta sa araw na yun, kung hindi man manecure paglalaba o pamamalantsa ang hatid ng binata sa kanya..
marta: mga anak! pupunta muna ako dyan kela sweste ha, daanan ko na din si junjun sa mga kaibigan niya para ihatid yung pagkain niyo tutal naka bente naman ako na kinita kanina..
jema: naku nay! wag mo bibigay yung pera sa kanya, sigurado pang rurugby lang yun ng mga kaibigan niya, at siya nga pla nay aalis ako ng alas 2 kasi 2:30 magsisimula yung exam ko..
marta: jema! wag ka nga magsalita ng ganyan sa kapatid mo..wag ka magalala ibibili ko ng sardinas to sa kanto at ipapaabot ko na lang kay junjun para diretso uwi na yung batang yun..at galingan mo sa exam mo mamaya..
sabay yakap ng mahigpit sa kanyang anak na animoy hindi nito papakawalan ang anak sabay bulong ng ¨mahal ko kayong mga anak ko¨
jema: nay hindi ako makahinga(takang taka kung bakit ganun na lang ang pagkayakap ng kanyang ina)
habang naglalakad papasok ng pabrika, takang taka si marco kung bakit marameng tao sa labas ng gate nito, nagsisisgawan na parang may maliit na meeting de abanse, may mga bitbit na kartolina at plywood na nakasulat na
¨itaas ang sahod ng maliit na maggagawa¨ , ¨maghuhunger strike kame dito pag hindi niyo itaas ng P125 ang sahod namen¨..
bago palang sa mata ni marco ang gantong sitwasyon pero mas nanaasin niya na pumasok na lang kesa makisali sa mumunting rally na ginagawa ng kanyang mga kasamahan sa trabaho. mas iniisip ni marco ang kanyang ina kahit mababa lang ang sahod eh kakayanin parin nilang mabuhay.
bago pumasok, naisipan muna ni mark na magkape sa starbucks na malapit lang sa opisina niya. madalas nia itong ginagawa para matanggal ang pagkainis sa asawa kasabay ng pagtext o pagtawag sa dating kasintahan na si cristie..
ring..ring...
cristie: hello!
mark: asan ka?
cristie: nasa condo ko, bakit?
mark: gusto kitang makita, pede ba ako pumunta dyan ngayon?
cristie: wag na may pasok ka pa at baka magalit ang asawa mo, tsaka hindi mo ba maintindihan na ayoko na ulit makikita yang pagmumuka mo!
mark: please cristie! gusto kita makita, hindi ako papasok para sayo, gusto talaga kita makausap at makita, parang awa mo na!
cristie: cge huli na to, mamayang 5:00pm magkita tayo sa resto, sa dati..wag ka malalate kahit 1 min. yun na ang huli..bye!!
mark: sala...tottottotot....(sabay baba sa kabilang linya)
to be continued....